Ere

Naiwan ka na ba sa ere?

Well, hindi naman yung hindi ka sinipot pero yung tipong bigla na lang nagbago ang ihip ng hangin?

Dati close kayo, chika ever, etcetera tapos biglang… “ayaw muna kita kausapin.”

Hmmm…

So syempre, ikaw isip ever kung ano ang nagawa mong mali para bigla kang hindi kausapin.

Hinalughog mo na ang lahat ng sulok ng utak mo kakaisip kung bakit at wala ka pa ring maisip na dahilan.

Kung minsanan lang sana, sige palagpasin. Baka mood swing lang.

E alangan namang ipagpilitan mo ang sarili mo sa kanya di ba? Kunwari lahat wala lang at normal ka lang sa closeness.

Yun pala “feeling close” na ang turing sayo. Yikes! Wala kasing memo akong natanggap eh! Hahaha.

Siguro naman hindi ka manhid para hindi maramdaman na ayaw ka ng tao na ito. E di pagbigyan mo na lang sya at hayaan mo sya sa pinili nya na wag ka na lang makisingit sa buhay nya.

Bakit ko nga naman pagpipilitan ang sarili ko sa ayaw sa akin di ba?

Ang mas nakakatawa dito, pag trip na nya, babalikan ka nya kung saan ka nya iniwan at magagalit o magtataka sayo bakit mailap ka.

At higit pa, hindi ka nya uunahan ng bati. Maghihintay sya hanggang ikaw mismo ang lumapit. O di vah ang saya! Ikaw na ang iniwasan, ikaw pa rin ang dapat magkandarapang bumalik pag bukas na ang pinto. Aba eh paano na yung namamaga kong ilong na hanggang ngayon e nagtataka pa rin bakit ka sinarhan ng pinto?!

Haaayyy….

Meron bang nakatatak sa noo kong hindi ko nakikita? Itawa na lang kaya. Mind my own business na lang. Dito na lang ako sa sure akong walang “mind games”. Hahaha.










3 responses so far, want to say something?

  1. teks GERMANY says:

    parang kilala ko toh…hehehe — teks

  2. Maeyo UNITED ARAB EMIRATES says:

    Actually, this is another person. Nagkataon lang parehas ng story :p

    Thanks for stopping by to comment!!! Buti naman napapadaan ka!

  3. jinkymarie PHILIPPINES says:

    hay nakakatawa parang nakakarelate ako dito

Leave a Reply


Comments links could be nofollow free.
flickrRSS probably needs to be setup
FireStats icon Powered by FireStats