Pagkabahala

Kanina habang kausap ko ang nakakataas sa akin sa trabaho. Bigla akong nabahala nung sinabi niya na hindi na yata babalik sa trabaho ang kapatid ko. Nagulo ang mundo ko sa sinabi niya. Sabi niya hindi kakayahin ni kapatid na mag-alaga ng bata at magtrabaho. Tinanong ko na si kapatid tungkol dito nuon pang bago sya manganak at sinabi niya na babalik naman sya. Pinakiusapan ko sya na kahit hanggang manganak lang ako tapos nun pwede na niyang gawin kahit ano ang nais niya. Siguro naman sa panahong iyon makakahanap na ako ng malilipatan. Wala naming problema ditto sa trabaho. Kumportable naman ako at hindi masyadong stressful. Ngayon lang pag-alis nitong nakakataas sa amin tapos yung isa pa ring buntis din, mauubos na ang mga taong gusto kong makatrabaho dito. At isa pa, medyo dead-end itong trabaho na ito. Nung simula pa lang iisa lang ang rason kung bakit ako lumipat dito nuon – para makaligtas na sa sobra-sobrang stress na dinadanas ko sa araw araw dun sa dati kong trabaho. Hindi ko naman pinlano na pangmatagalan ito. Siguro ako lang yung tipong pag naging maayos na sa isang lugar, mananatili hanggang kaya. Dun sa dati, kahit paano malaki-laki rin ang nakuha ko sa gratuity.

Ang mga kababayan dito ang nagsisilbing malakas na kapit ko dito. Sila ang nagpapasaya ng pang-araw araw na pagtatrabaho. Importante sa akin ito dahil Quality ng buhay ang laging mas matimbang sa akin.

Kung sana ganun lang kadali ang lumipat at maghanap ng ibang mapapasukan, e di sana naghanap na ako. Ngunit sa kalagayan ko ngayon, higit na makabubuti sa amin ng anak ko na dumito muna hanggang matapos ang taon.

Haaay. Siguro hindi ko na lang muna dapat iisipin ito at ipagkakatiwala na lang muna sa Diyos. Alam kong hindi naman Niya ako pababayaan. At siguradong dadalhin Nya ako kung saan higit na mas makabubuti sa akin at sa aming pamilya ni Ariel.










Leave a Reply


Comments links could be nofollow free.
flickrRSS probably needs to be setup
FireStats icon Powered by FireStats